CRISPY KARE-KARE
3:47 AM
Ingredients:
1 kilo pork liempo
3 cups beef broth
6 tbsp peanut butter
4 cloves garlic minced
1 tbsp soy sauce
1/2 tsp ground pepper
1 tbsp patis
2 talong sliced
2 bundle string beans (3 inches length)
2 bundles pechay or bokchoy
Oil
Tubig
Salt
Atsuete powder (optional)
Instructions:
Hiwalay ang pagluluto sa lechon kawali (liempo), kare-kare sauce at mga gulay at saka lamang siya pagsasamahin kapag ready to serve na.
Pakuluan ang liempo sa tubig at asinan po ito sa tamang panlasa.
Kapag kumulo na, hinaan ang apoy at hayaan itong maluto sa loob ng 40 minuto.
Hanguin at palamigin ng konti.
Mag-init ng maraming mantika sa kawali (deep fry kung maari) pero simulan sa katamtamang apoy dahil sa high heat ay pumuputok-putok ang liempo.
Takpan ang kawali at pagkatapos ay itaas ang apoy ng unti unti hanggang sa maging crispy ang labas. Mga 30 hanggang 40 minuto. Hanguin ang crispy liempo at itabi muna.
Lutuin ang gulay sa pamamagitan ng steam cooking. Unahin ang talong at pagkatapos ng 5 minuto ay idagdag ang sitaw. Pagkatapos ng 4 na minuto ay saka naman idagdag ang petsay. Pagkatapos ng 3 minuto ay patayin ang apoy dahil luto na ito.
Kung walang steamer ay pwede rin ang pakuluan sa tubig. Tandaan po lamang na ang talong ang pinakamatagal maluto. Pangalawa ang sitaw at ang pinaka-madali ay pechay. Bantayan itong maige.
Habang niluluto ang gulay ay pwede na rin isabay ang pagluluto ng kare-kare sauce.
Ang sauce ang siyang magbibigay ng sarap sa inyong kare-kare bukod sa bagoong. Kaya dapat malasa ito.
Mag-init ng 2 kutsarang mantika sa sauce pan. Iprito po natin ang bawang hanggang mag golden brown ang kulay nito. Idagdag ang beef broth at hayaang kumulo sa mataas na apoy.
Kapag kumulo na ay hinaan ang apoy at idagdag ang toyo, peanut butter at paminta. Haluin lamang, dahil ang init at patuloy na paghahalo ang siyang magpapalapot sa sauce. Lagyan ng atsuete powder para kumulay ng kaunti.
Kapag kuntento na sa lapot ng sabaw ay patayin ang apoy at ihanda ang mga sahog sa serving plate. Serve and enjoy!

0 comments